MMFF EXECOMM: 2017 Metro Manila Film Festival certified record-breaker

Sa nalalapit na pagtatapos ng 2017 Metro Manila Film Festival sa January 7, 2018, masaya ang Executive Committee ng MMFF para sa naging mainit na pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga pelikula na naging kalahok dito.

Sa naging opisyal na pahayag ng MMFF na ipinadala ng MMFF Spokesperson na si Noel Ferrer, ibinahagi nito ang maituturing nilang maagang tagumpay ng festival dahil sa record-breaking na kita ng MMFF sa nagdaang dalawang taon.

“Three days before the end of the Metro Manila Film Festival, and we are happy to say that more and more people are watching films in the MMFF.

“We are grateful that people have gone back to the theaters to watch Filipino films once again, and the traditional audiences during the Holidays like kids and families are reinforced by the millennials and working class who have supported not just one or two but more and more films in the festival.

“As noticed by some sectors, there has been a harmonious arrangement made and agreed upon by the MMFF Execom, cinema owners and producers to give additional theaters to films without major studio backing.

“This year’s MMFF has proven that we need not sow hate to produce good results. All the systems worked well because there was goodwill and understanding among the stakeholders.

“Again, we have 3 more days to go – let us maximize our support to all the MMFF entries.

“Mabuhay ang Pelikulang Pilipino.”

Sa ngayon, wala pa din official figures na inilabas ang pamunuan ng MMFF na inaabangan ng marami kung sino ang nanguna pagdating sa kinita ng walong pelikulang kalahok sa Film Festival.

 

 

source:showbizhub

Comments

comments