Katrina Halili, six years na raw ‘manhid

Dahil matagal na rin walang napapabalitang nobyo, natanong ang Kapuso actress na si Katrina Halili kung hindi ba siya naiingit sa kaniyang “The Stepdaughters” co-star niyang si Megan Young dahil mayroong Mikael Daez na kasa-kasama sa set.

“Waley. Manhid na po ako. Six years na po akong manhid,” sagot ni Katrina nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa New Year’s Day party ng Production 56 nitong Sabado, January 6, sa Mowelfund Film Institute.

Puwede bang wala siyang inggit na nararamdaman kapag nakikita ang sweetness nina Megan at Mikael sa set?

“Oo. Happy naman ako for them. Wala pa po talaga sa isip ko ang mag-love life.

“Bata pa po ako,” natatawa niyang hirit.

Five years old na ang kanyang anak.

Naghahanap na ba ito ng kapatid?

“Naghahanap…” mabilis na sagot ni Katrina.

“Ng mga kalaro! So, dinadala ko madalas sa mga kapitbahay.

“Balak ko naman, next time, ‘pag mga 35 na ako. Sa ngayon, nag-e-enjoy po ako na mag-ipon

“I-settle ko muna lahat! Pag OK na ako, saka ako magla-love life

“Ano, e… medyo nag-mature na. Dati kasi, love life, todo, e! Dati, ayokong mag-work.

“So, ngayon, mahal na mahal ko ang work ko. Gusto kong mag-ipon nang mag-ipon nang mag-ipon

“Balewala sa akin ang mga boys na ‘yan!”

Paano yung mga umaali-aligid sa kanya?

“May mga tinanggihan akong dates. ‘Di ako ready. Parang feeling ko, waste of time.

“Kasi nga, hindi pa ako ready. Personally, hindi ako ready.

“Parang wala akong time na ibibigay sa kanila.

“Ang akin ngayon, goal ko is i-enjoy ko muna ang time ko for myself. I-love ko muna yung sarili ko.

“Kasi, parang dati, hindi ko nagawa ito. I-enjoy ko muna ito.

“Masarap palang mahalin ang sarili.

“So, siguro, next time, makakahanap din ako ng taong magmamahal sa akin pag mahal ko na yung sarili ko.”

Samantala, sobrang happy si Katrina sa pakikipagtrabaho kay Megan sa Kapuso teledramang The Stepdaughters, na nakatakdang magsimula sa Pebrero 12.

“Unexpected yung relationship naming dalawa,” ani Katrina tungkol sa closeness na namuo sa kanila ni Megan.

“Yes! Kasi ano, kahit din naman siya, nagulat din siya.

“Sobrang close kami, sobrang… ewan ko, sobrang sweet sa isa’t isa.

“Para kaming magkapatid. As in… parang magkapatid kami talaga. Naaaliw siya sa akin.

“Cute daw kasi ako, e! Charot! Ang cute-cute din naman kasi niya!

“So, parang nakakita ako ng kapatid, and siya rin. So, happy kami sa set.

“Nakakatuwa, kasi, nakaka-excite din.

“Alam ko na magiging maganda ang project namin dahil magtutulungan kaming dalawa.”

Comments

comments