James Ried at Nadine Lustre, may bagong pasabog sa kanilang Valentine concert?

Puspusan na ngayon sa paghahanda ang tambalan ng JaDine na sina James Reid at Nadine Lustre para sa kanilang pagbabalik proyekto this 2018.

Isa na dito ang much awaited na Valentine event na Revolution The JaDine Concert na magaganap ngayong February 9 sa Smart Araneta Coliseum.

Catch JaDine today on ItsShowtime ✨ Love Rules in 2018 ❤️ Mark the date Feb 09 2018 at the @thearanetacoliseum 🎶🔥 get your tickets now REVOLUTION : The JaDine Concert Tickets available at ticketnet.com.ph or call 911-5555 for more details 💥 #JaDineRevolution 💥 #LoveRulesJadine ❤️.

“As of now andon po kami sa stage ng preparation para sa rehearsals. Ngayon po nag-shoot na kami ng mga VTR for the concert and all the planning,” saad ni Nadine.

Ayon naman kay James, ibang experience daw ng concert ang kanilang ibibigay sa kanilang pagbabalik.

“Yeah we have direk Paul (Paul Basinillo). It’s going to be like watching a film while you are in concert at the same time,” sabi ni James.

Sinigurado din daw nila na siksik at nag-uumapaw na performances ang kanilang ibibigay sa kanilang Revolution concert.

“Yes meron po kaming times na solo spot, and meron din siya (James). And of course meron din po kaming mga guest na ire-reveal din po namin soon kaya aabangan din po talaga and sobrang exciting po nito para sa aming dalawa,” paliwanag ni Nadine.

Dahil napuno ng pasabog ang JaDine in Love concert noong 2015, natanong kay James at Nadine kung may aasahan din ba na pasabog ang kanilang mga fans sa kanilang pagbabalik.

“Hindi ko po alam!” natatawang pahayag ni Nadine.

Sa nalalapit naman na pagdiriwang ng JaDine ng kanilang anniversary bilang isang couple, ibinahagi naman ni James ang kanilang planong celebration.

“Hopefully, we’d like to travel but we’ll see how our schedules are, because we have a lot to finish here,” pahayag pa ni James.

 

source:showbizhub

Comments

comments