Derek Ramsay wants to work with Angel Locsin

Bukod sa naging pahayag ng hunky actor na si Derek Ramsay na gusto niyang makatrabaho sa pelikula ang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban ay may isa pang Angel ang gusto ring makatrabaho ng aktor.

Ayon kay Derek, noon pa niya gustong makatrabaho si Angel Locsin kaya lang, hindi siya nabibigyan ng pagkakataon.

“Yeah, ever since pati nung nasa ABS (CBN) pa ako. I really, really admire her as an actress. How strong she is.

“I expressed my feelings towards this long ago when I was in ABS. She was somebody that I’d love to work with.

“Angel is very beautiful and she’s a good actress and I can learn a lot from her. Sana magkaroon ng opportunity na magkatrabaho kami,” masayang pag-amin ni Derek sa panayam ng PUSH.

Saan ba niya gustong maunang makatrabaho si Angel—sa pelikula o teleserye?

“Siguro sa movies,” mabilis niyang sagot.

“Gusto ko sa movie mauna so that todo talaga yung bigay mo sa pag-arte mo and you’re not working in a stressful environment. When you do a soap kasi, sa umpisa it’s hard to maintain that focus because you just work every other day. It would be really awesome to work with Angel Locsin on the big screen.”

Natawa naman si Derek nang sambitin namin na kayang-kayang ibigay ni Malou Santos ng Star Cinema ang wish niya. Aba, malay natin na after ng pelikula nila ni Bea Alonzo ay yung sa kanila naman ni Angel ang gawin ng Star Cinema.

“Well, let’s see. Sana.”

Hindi rin maitago ni Derek ang excitement sa pelikulang pagsasamahan nila ni Bea.

“With Bea, I’m very very excited kasi nakatrabaho ko na yan. She is an amazing person, amazing actress,” reaksyon niya.

“We did a very different type of workshop. Usually, sa storycon ipapakita lang sa ‘yo kung ano yung character mo pero si Direk Ruel (Bayani), he put us and made us act with no script in a scenario and it took about 10 minutes, no joke yon.

“Kami ni Bea, walang pinag-usapan, came up with the script and with just acted out something that was just given to us.

“And sabi ni Direk Ruel, ‘That’s why I chose the two of you to be my actors, so I’m very, very excited for that movie. First time ko rin to work with Paulo (Avelino) who is a very intense actor,” huling pahayag ng two-time Metro Manila Film Festival best actor.

Unang nanalo sa MMFF si Derek sa pelikulang English Only, Please na nasundan sa All Of You na entry ng Quantum Films sa 2017 MMFF. Kapartner ni Derek sa pelikula si Jennylyn Mercado. Si Dan Villegas naman ang director ng All Of You na nanalo rin ng third Best Picture award.

 

source:abscnb

Comments

comments