Beauty Gonzalez sinabing hindi ikakasal sa February si John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

Pinabulaanan ng aktres ang tsismis na lalagay na sa tahimik ang kanyang bff na si Ellen Adarna.

Hindi sinang-ayunan ng Pusong Ligaw lead actress na si Beauty Gonzalez ang naglalabasang balita sa social media na ikakasal na ang kaibigan niyang si Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.

Aniya, “Hindi, ah. Wala naman akong alam diyan. Wala akong balita. Hindi, wala akong balita.”

Isa raw kasi siya sa unang makakaalam kung saka-sakali ngang ikakasal si Ellen kay Lloydie.

“Sa totoo lang, if I would know, I will be the first one to know but it’s not true, okay. So, wala akong balita,”giit pa ni Beauty nang makausap siya ng PUSH sa farewell presscon ng Pusong Ligaw.

Dagdag niya, “At saka bakit naman nila itatago yon? Masaya sila sa isa’t isa, I mean, bakit nila kailangang itago ang mga bagay-bagay na yon?

“Nakikita naman ng tao na Ellen posted a photo of Idan. Hello, are you stupid enough not to understand that they’re together.

“So if they’re gonna get married or not, that’s their decision coz by the end of the day, hindi naman kami pagmamay-ari ng mga ibang tao, na pagsasabihan kami kung anong nangyayari sa buhay namin.”

Sana raw ay hayaan na lang ng mga tao na maging masaya ang dalawa.

“Masaya silang dalawa sa isa’t isa and I’m happy for them. I mean, let’s keep it that way kasi hindi nabibili yung happiness mo. So, kung masaya sila, hayaan natin silang maging masaya.

“I mean, they’re not doing any showbiz work anymore, give them a break. Wala na nga sila dito sa mundo natin kaya patahimikin na natin sila,” pakiusap pa ni Beauty.

Eh, ano naman ang reaksyon niya sa sinasabing meron nang wedding preparation para sa Lloydie-Ellen wedding like contacting catering and florist?

“Naku, nakakatawa naman yan. You know what, the family of Ellen owns a catering business. So, ano pa ba?

“Ano’ng florist, sinong florist? Taga-Dangwa ba? Hindi ko alam… wala, walang florist. Malapit na ang Sinulog baka nagpa-flower sila sa bahay nila,” tawang-tawa niyang reaksyon.

Pangungulit namin kay Beauty, hindi kaya late siyang ii-inform ni Ellen about her wedding kaya hindi pa niya alam ang tungkol dito.

“Wala ngang mangyayari (kasalan),” pagdidiin niya.

“Kasi I mean, like she will tell us and you know what, why will they hide it? Hayaan na natin sila, nananahimik naman na sila, eh.”

Handa ba siyang maging abay?

“Maski ninang pa ako, okay lang. Bakit naman hindi?” tugon niya.

“Magiging ninang na ako sa isang kasal, sa best friend ko, best friend namin ni Ellen ang ikakasal. Magiging ninang kami at ninong kaming dalawang asawa ko, principal sponsor kami,” natatawa pa ring pahayag niya sa PUSH.

Anyway, last one week na lang ng Pusong Ligaw at taos-pusong nagpapasalamat si Beauty at ang buong cast ng afternoon series sa pagtutok ng teleserye sa programa na tumagal din ng halos isang taon.

 

source:showbizhub

Comments

comments