Bakit pinasalamatan ni Sheena si Maine sa pagkakaroon niya ng bagong love life?

Pinasasalamatan ni Sheena Halili si Maine Mendoza sa pagkakaroon niya ng love life. Isang abugado ang boyfriend ngayon ni Sheena, si Jeron Uy Manzanero.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sheena ng picture nilang magkasintahan sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ang matamis na caption ng Kapuso actress para sa boyfriend: “Isang madiin na halik ng kasiyahan, pasasalamat at pagmamahal para sa Lalakeng bumuo ng mundo kong IKAW NALANG ANG KULANG IKAW ang sagot sa malaking puwang ng puso kong sumisigaw ng ‘Lord, pengeng lovelife’

“Tatapusin ko ang 2017 ng TAYO ang laman at umpisahan ko ang 2018 na sana TAYO na hanggang walang katapusan.  #anglalimnaman”

Sa comments section, tatlong heart emojis ang komento ng kaibigan ni Sheena na si Maine Mendoza.

Mensahe ng StarStruck alumna sa Eat Bulaga! host: “natupad na wish mo para sakin.”

Dagdag pa ni Sheena, “lakas mo talaga kay Lord.”

Nabuo ang pagkakaibigan nina Sheena at Maine sa 2017 GMA primetime series na “Destined To Be Yours.”

November 2017 nang isapubliko ni Sheena, via social media, ang tungkol sa kanyang boyfriend.

Base sa Facebook account ni Jeron, nag-high school siya sa De La Salle Greenhills.

Kumuha ng kursong Management sa University of Asia and the Pacific at nag-aral ng Law sa Ateneo De Manila University.

Comments

comments