RELATE WORDS …

TITLE : DI KO NA KAYA

Dahan dahan tumayo
Inihakbang ang paa palayo
Malayo sa lugar na ako’y nasaktan
Malayo sa taong ako’y iniwan

Hindi ko na kaya ang magpakatanga
Di ko na kaya ang mabalewala
Di ko na kaya ang sakit na saaki’y ipinadama
Ayaw ko na kase di ko na kaya

Kaya sana naman ako’y lisanin mo na ng tuluyan
Wag mo ng iparamdam saakin ang di makatarungan
Ang tanging hiling ko lang naman
Na sana makawala na ako sa lumbay ng kulungan

Mga luha’y naguunahan sa pagpatak
Dahil sa mga salitang sa puso’y sumaksak
Salamat sa dala kong panyo
Na siyang tumuyo sa mga luha kong tumutulo

Maraming katanungan ang gumugulo sa aking isipan
Bakit di mo ko pinahalagahan?
Bakit palagi nalang akong nasasaktan?
Mga tanong na gusto ko ng kasugutan pero mas pipiliin na ito’y takasan

Mahal, mahirap para saakin na ika’y bitawan
Pero ito lang ang tanging paraan para ika’y kalimutan
Wala ng dahilan para kumapit pa
Pagod na ang puso ko dahil di ko na kaya.

 

Share your thoughts and opinions in the comments section below!

 

source:sadstory

Comments

comments