PUTO FLAN RECIPE YUMMY..

This Puto Flan Recipe is translated in Filipino and English Instructions.This Puto Flan instruction is a tried and guaranteed recipe. Come and let’s start making puto flan. Happy cooking!

Ingredients/Sangkap:

For the flan:

4 egg yolks
1 cup condensed milk
1 tsp lemon or calamansi extract

For the puto:

2 cups rice flour
4 egg whites
1 1/2 cup water
1/4 cup evaporated milk
2 tsp baking powder
1 cup white sugar
dash of salt
small plastic puto molds.

Paraan ng Pagluluto ng Leche Puto:

Ihanda ang molde ng puto at mantikaan ang paligid ng bawat isa para hindi dumikit ang leche flan at puto kapag naluto. Isantabi pagkatapos.

Para sa Flan Mixture:

Kumuha ng katamtamang laki ng mangkok or bowl, paghaluin ang pula ng itlog, condensed milk at lemon extract or flavoring. Haluin maigi at salain ang mixture ng flan para maging pino ito pag naluto.

Isalin ang hinalong mixture sa mga puto molds (lalagyan ng puto), maglagay ng 1/4 mixture.

Kapag nailagay mo na lahat ng mixture, ay ihanda na ang pausukan or steamer na paglulutuan ng leche flan. Kapag kumkulo na ang tubig ng steamer ay isalang na ang mga leche flan cups. Takpan ng tela ang ibabaw ng steamer at saka takpan. Pausukan ito sa loob ng 5 to 8 minuto gamit ang pinaka-mababang apoy. Makaraan ang limang minuto ay icheck kung luto na ang flan, kumuha ng toothpick at itusok sa gitna ng flan, kapag walang nanikit sa gilid ng toothpick ay luto na ito. Maari mo ng patayin ang apoy. Isantabi at palamigin muna ang mga flan.

Para sa Puto Mixture:

Sa isang katamtamang laki ng mangkok, paghaluin ang egg whites (puti ng itlog), evaporated milk, at asukal. Haluin ito hangang maging smooth ang mixture. Isantabi muna.

Kumuha ng panibagong malaking mangkok, at pagsamahin ang rice flour, baking powder at kurot ng asin. Haluin maigi. Isalin ang tubig at ang egg mixture na isinantabi knina. Haluin maigi hanggang wala ng namumuong harina sa mixture.

Maari mo ng isalin ito sa mga molde ng nalutong leche flan. Magiwan ng palugit at huwag paabutin sa rim ng molde ang puto mixture. Huwag paapawin, mga ¾ lamang.

Comments

comments

%d bloggers like this: